To be continued…
February 14’12 = The Break-Up


Pagpasok ko kahapon sa campus ay halos lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin dahil sa suot kong couple shirt, Hawak kong tsokolate, At hawak kong tatlong malalaking lobo na may katernong party hat na hellokitty(na suot ko), Kasi susurpresahin ko sana siya. May hawak din akong ka couple ng suot kong damit(nasa itaas ang piktyur) para un ang isuot niya kasi nga pang 5th Valentine na dapat namin kahapon At noong lumapit ako sa pwesto niya ay ang daming nagreact ng “Wow,” at “Ohoooy”. Ewan ko, kinilig ata sila sa ginawa ko. Pero nabakas sa mukha ng Ex-Girlfriend ko ang hindi magandang reaksyon, paglapit ko sa kanya ay binigay ko agad ang regalo ko at sinabihan ko agad siya ng “Happy Valentine’s Day mah, I Love You.”
Ang sabi niya “BREAK na tayo, Hindi na kita mahal. bla bla bla.”
Nag usap kami habang umiiyak siya at madaming nakatingin saming dalawa, Pinipilit kong ipaglaban yung relasyon namin hanggang sa may mga sinabi siyang kakaibang bagay na noong feb14 ko lang narinig mula sa bibig niya at wala siyang tigil sa pagiyak, Hindi ko maintindihan kasi pinipilit niya akong lumayo at umalis na sa harapan niya noong mga oras na iyon. Kaya naman kahit ayaw kong mag walk out at gusto ko siya samahan ay umalis nalang ako matigil lang siya sa pagiyak niya.
Yung lobo nga pala sa itaas ay hindi niya tinanggap, nakita ko nalang yan february 16 sa loob ng campus pakalat kalat kaya kinuha ko at pinalipad! Yung Chocolate Chip Cream (Starbucks) naman ay binigay ko sa kanya ng february 17, Nagtry lang ako kung meron paba kami o wala na talaga kaya nagpunta ako sa kanila pero mga siguro 30mins akong pinagsarhan ng pinto kaya natunaw lang (Sayang naman). Ewan ko baka balang araw marerealize niya na sobrang mali ng ginawa niya sakin(Yung pag iwan at pananakit po). Hindi naman ako nagkulang, Mejo sobra nga lang siya atensyon ko kaya siguro nagsawa. Kapag tinitext ko siya sa new number niya ay lagi niya ako pinagtatabuyan at masakit un para sakin, KUNG hindi ko nga lang alam na ginagawa niya lang un para lang wag na kami masaktan pareho kasi alam ko namang mahal pa namin ang isa’t isa? SIGURO?, Un kasi ang nararamdaman ko. Ang gulo ng ibang mga babae nu? Kasi kung ayaw niyo kaming makitang masaya sa ibang babae ehdi wag niyo naman kami pakawalan ng ganun lang. “KUNG AYAW MONG MAKITA NA MASAYA SIYA SA IBA AY WAG MO NA SIYANG PAPAKAWALAN DAHIL PAG SIYA ANG UMALIS AY WALA KA NG BABALIKAN PA”. MARCH 3, 2012 ito dapat yung date ng 4th ANNIVERSARY namin ih, DFUQ naman. Bakit hindi pa kasi ginawang march 4 nalang ang pakikipagbreak! Ito na po ang pinakahuling blog ko dito sa hellokittymuscle. Sana nagustuhan niyo ang kwento ko tungkol sa lovestory naming dalawa. AMEN!
At dahil palagi akong may gimik tuwing Valentines, Paano ko ba mahihigitan ang ginawa ko noong isang taon? Naman, Wala ako maisip na bagong gimik! haha. Ang hirap din pala talaga magka Girlfriend ng selosa, este maganda pala! :P
Couple Shirts for Valentines.
Gentleman.
Habang matagal na nagpaikot ikot sa SM Noong nakaraang araw.
Gf; “Ang sakit ng paa ko, dahil dito sa sandals na gamit ko.”
Makalipas ang ilang minuto ay nagdaing ulit sakin.
Gf: “Pah, Ang sakit na talaga ng paa ko, huhu.”
Tumigil ako saglit at tiningnan ko lang ung tsenelas na gamit ko.
Ako: “Ito gamitin mo muna itong tsenelas ko.”
Gf: “Ih, nakakahiya. haha. Wag nalang po, hindi na sumasakit.”
-Nahihiya siguro siya na wala akong suot na tsenelas habang bitbit ko yung sandals niya. :))
“Pah, Bili mo ako hair blower. Please?”
-_-
Dear Tetris Battle princess/Girlfriend,
Natupad na naman ang kahilingan mo (tsing), Isang linggo lang ang nakalipas simula ng nakita mo ung nasa kanang litrato sa isang hellokitty shop na nadaanan natin ay nabigyan na kita, Mapapatawad mo paba ako kasi inabot ng isang linggo ang pagbili ko sayo niyan? Sorry naman busy lang masyado. Binili na kita kasi araw araw nalang yan ang bukang bibig mo, na kesyo “pah, bili mo ko nun. plss” Para namang bata. O sigi na nga, bata kana kasi ikaw naman talaga ang baby ko at kahit na isip bata kapa ay ano naman kasi sasamahan naman kita sa pag tanda! At isang punto pa pala, Naawa nadin kasi ako sa nasa kaliwang litrato. Ito yung pinaka unang tsinelas na binili natin habang nagliliwaliw sa kung saan saang lugar. Mag iingat ka palagi. Salamat sa pakbet kanina. :P
P.S I love you.
Hindi po ulam ang babae kaya wag niyo namang pagsawaan. tsk!
Scenario kanina sa lobby ng baste.
Raymund: “Yumayaman ako kapag kasama kita.”
Angelie: “Bakit?”
Raymund: “MAHIRAP kasi kapag wala ka.”
#BOOM!! haha. — at Sscr-Cavite.
Walang magawa!
Tara makipag jack N poy nalang sa salamin. Tapos hintayin kung sino ang panalo.
Dito sa tatlong to ay proud ako.
1. Buhay ko.
2. Pamilya ko.
3. Mga kaibigan ko.
Magtatampo ka siguro?, kasi hindi mo nakita ang pangalan mo. Nakalimutan mo naba? Na ikaw ang buhay ko! :P
Angelie, Magpapaliwanag ako. Kahit na alam kong hindi ka naman makikinig sa mga sinasabi ko palagi, Ay magpapaliwanag padin ako sayo. Nga pala salamat sa awtomatikong kurot na binigay mo sakin kanina pagkasambit ko sa pangalan ng X ko. Ngayon alam ko na, Na sa math problem ko nalang talaga dapat babangitin si X kasi nasubstitute mo na siya sa buhay ko! Olrayt. Hindi man ako kasing faithful ng gusto mong lalaki, O kasing loyal ng pangarap mong boyfriend ay kaya ko namang maging anjan sa tabi mo sa oras na kailangan mo ako! Lumilingon man ako sa magandang babae ay hindi naman nun kayang tumbasan/pantayan ung pagkagusto ko sayo. Aminin na natin. inlab kana sakin, este ako sayo! :P
Gusto kong pagsigawan sa mundo na ang ganda ganda mo, pero natatakot ako na baka pati ang mundo ay magkagusto na din sayo!
PakkingBEATS po!! Ah, Salamat nga pala sa aking butihing chiks dahil sa pagsama sakin kanina sa pagbili niyan. At kahit na ang dami nating pagod ay talaga namang abot langit ang tuwa natin kanina. Angelie, Happy 46th monthsary mata! aylabyuberimats.







